Year 2000 pa lang ay nadiskubre ko na ang puso ko pala ay wala sa pagtuturo kundi nasa mass media. Sinikap kong makapasok sa mundong aking pinapangarap ngunit lagi akong bigo. Sa loob ng mahabang panahon ay pilit kong hinanap ang aking panaginip. Pero sa loob ng mahabang panahong yaon ay pawang kasawian lamang ang aking nakamit. Sa ngayon, kinailangan kong muling lunukin ang nakalaang mundong tila yata magiging kakambal na ng aking buhay...ang pagtuturo...
Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
Ito ang ginawa sa amin ng deped… ang maghanap ng sariling pondo.
Bakit kailangang kami pang mga taga private schools ang maghanap ng sarili naming pondo kapag sasali sa National Schools Press Conference? nakalagay kasi sa kanilang deped memo No. 235 s.2011 na kami ang maghahanap ng funds namin. nasa ibaba ang image. bakit? ang kakatawanin lang ba namin ay ang sari-sarili namin o ang school lang namin? hindi ba at kinatawan din kami ng aming sariling deped DIVISION at deped REGION? last year ay ginawa na ito sa amin at ngayon ay inulit na naman. kapag nanalo ang mag-aaral namin, hindi ba’t karangalan ito ng division at region ng deped? napakaUNFAIR ng Deped national. para na naman kaming mamamalimos nito sa ginawa ng Deped national.
sana lang ay gumaling na ang osteoporosis ng nanay. nahihirapan na kasi siya eh nag-iisa lang akong humaharap sa problema ngayon. walang tumutulong sa akin. yun na lang ang hiling ko sa kaarawan ko next week. =(
Just a simple observation lang. Pansin ko lang na kahit nung elem pa ako, kumpara sa Region IV-CALABARZON, eh mas mabilis ang announcement sa NCR na walang pasok kahit makikita naman na malakas rin ang ulan sa CALABARZON or even mas malakas. pagdating naman sa announcements sa region namin, laging paborable ang announcements sa mga katabi naming divisions/provinces at laging nalalampasan ang laguna (except ang san pablo city). di ko tuloy naiiwasan na mag-isip ng kakaiba. obserbahan nyo…
Nakakaasar itong nakaraang National Schools Press Conference! Hindi ko kasi na-enjoy ang nakaraang bakasyon dahil kailangan ko laging pumunta ng school para i-coach ang stude ko na ilalaban nun sa natl preskon (na natalo dahil sa ka-eng-engan). sana ibalik na lang sa dating February yearly para magamit din at the same time ng mga graduating studes ang makukuha nilang points sa pagiging winner sa nationals. Ang dahilan naman kasi ng ewan na si armin luistro, ayaw daw niyang maistorbo ang klase ng mga studes at teachers pero di naman niya inisip na mas malaking perwisyo ang ginawa ng april na nspc. maraming hindi nakapagbakasyon nang maayos at marami ang naabala sa enrolment. marami rin ang hindi pinayagang makasali sa nspc dahil wala na nga itong bearing sa iba na nagtapos na ng pag-aaral. Mag-isip-isip kayong mga taga National DepED…
Mahirap na ang life, babaha pa, lalong mababaon sa hirap…hay! sana naman tumigil na ang ulan. =/
A picture with cacai bautista. Batch 1999 ako at si cacai ay batch 2000 ng Tanghalang Binan.
Mabuti ang ginawa ni Mayor Arlene B. Arcillas na hindi pagsama ng kanyang mugshot sa poster na nakadisplay sa Santa Rosa na umaalala sa pagdiriwang ng ika-150 taong kaarawan ng ating pambansang bayani. Mabuti pa ang mayor na ito, hindi inaagawan ng karangalan si Rizal, hindi kagaya ng ibang mga politiko na parang sila ang bayani at hindi si Rizal…
Ito yung final output ni Gourev sa broadcasting workshop namin sa Ignite Workshop sa cubao…may portion na wala kasi naalangan ang recording ko then poor ang light kasi di talaga pang video ang camera ko…
Mga estudyante ko habang nag-eensayo sa copyreading and headline writing (June 7, 2011).
Three weeks ago, sumali kami ng stude ko sa isang broadcasting seminar-workshop. ang pinakahuling bahagi ng workshop ay ang pagpunta namin sa Ultra para makadaupang-palad ang Team Pilipinas na Smart Gilas. Ang nasa larawan ay ako, si Chris Tiu na team captain ng Smart Gilas, at ang stude ko na si Gourev Chawla…
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagpanalo ako ng student sa isang prestigious national contest..ang National Schools Press Conference 2006 sa Kalibo, Aklan. Nakuha ng batang katabi ko ang Unang Puwesto sa Elementary English Editorial Writing na naging dahilan para maging isa siyang undisputed champion sa contest na ito mula sa division, regional, at national presscons. Isa na siya ngayong Legal Management student sa Ateneo de Manila University sa QC.
Ito ang last time na naging part ako ng isang musical play noong 2007. Gusto ko pa sanang ituloy kaso di na kaya ng kinikita ko dito ang pangangailangan ko financially. sayang nga lang kasi nakapagsimula na ako muli sa mundo ng teatro…
Ang nakatutuwa kong picture kasama ang estatwa ng batang Rizal sa Calamba City noong 2007…